Sunday, October 30, 2011

Fake Friends Vs. Real Friends

Nakita ko lang ito sa post ng friend ko sa Facebook. Ang cute eh kaya gusto ko lang i-share. hehe...


FAKE FRIENDS - NEVER ASK FOR FOOD.
REAL FRIENDS - ARE THE REASONS YOU HAVE NO FOOD.

FAKE FRIENDS - NEVER SEEN YOU CRY.
REAL FRIENDS - CRY WITH YOU.
... ...
FAKE FRIENDS - KNOW A FEW THINGS ABOUT YOU.
REAL FRIENDS - COULD WRITE A BOOK ABOUT YOU.

FAKE FRIENDS - WOULD KNOCK ON YOUR FRONT DOOR.
REAL FRIENDS - WALK RIGHT IN AND SAY "I'M HOME!"

FAKE FRIENDS - WILL HELP YOU UP WHEN YOU FALL OVER.
REAL FRIENDS - WILL JUMP ON TOP OF YOU AND SHOUT "PILE ON!"

FAKE FRIENDS - ARE FOR A WHILE.
REAL FRIENDS - ARE FOR LIFE.

FAKE FRIENDS - WILL READ THIS.
REAL FRIENDS - WILL STEAL THIS, JUST LIKE I DID

Saturday, October 29, 2011

Till Death Do As Part

Nakita ko ito sa Facebook kanina. Gusto ko i-share dito kasi nakaka-touch. Hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag ito dahil sa isang tingin pa lang, alam kong mata-touch din kayo. hehe... 


Ang sweet noh? hehe...

Monday, October 24, 2011

Quote of the Day #3

 
"It is better to believe in something than nothing."




 

Wednesday, October 19, 2011

Yes To Orig, No To Pirata!

YES TO ORIG!!
NO TO PIRATA!!


Tama nga naman ang bumili ng original. Masama at bawal ang tumangkilik ng pirata. Ang daling sabihin noh? Lalo na sa mga mayayaman at may pera. Ngunit masisisi mo ba si Juan kung ultimo pagkain wala siyang maihain sa mesa? 

May mga Pinoy din kasi diyan na naghahangad makapanood ng mga palabas na gusto nila ngunit sa sine at original na CD/DVD lang mapapanood. Wala naman silang pera para gumastos para dito. Sabi nga ng iba, ikakain na lang daw nila kaysa ibili ng kung anu-anong bagay. Pero para naman sa medyo kumikita ng sapat at may sobrang pera o kaya ay extra, hindi na kawalan ang bumili ng Php35 na pirata

Hindi ako sang-ayon sa pirata, ngunit naghahayag lang ako ng aking saloobin base sa mga naririnig at nalalaman ko tungkol sa buhay ng iba't ibang tao na may mga iba't ibang katayuan sa buhay. Ang tanong ko lang naman ay:


Bakit ba kasi ang mahal ng bayad sa mga palabas sa sine?
Hindi na bumaba. Lagi lang tumataas.
  
  

Tuesday, October 18, 2011

Quote of the Day #2

 
"The early bird catches the worm."




 

Bawal Ang Late!

Kapag may lakad o event, ugali na nating mga Pinoy ang ma-late o ang tinatawag nating "Pilipino Time". At dahil diyan, na-late ako sa pinuntahan kong event kanina. Pilipino Time nga naman. HAHAHA! Nakakainis man ngunit wala akong masisisi kundi ang aking sarili. Saka mo na lang maiisip na... "Sana umalis ako ng mas maaga.", "Sana maaga pa lang ay naghanda na ako.", "Sana maaga akong gumising.", "Sana hindi ako nagpuyat at natulog ng maaga.", at kung anu-ano pa. Pero anumang sisi mo ay huli na ang lahat. Nahuli ka at hindi mo na maibabalik ang oras. Ang masakit nito ay 'pag naiwan ka sa biyahe. HAHAHA! Marami nga diyan natatanggal sa trabaho dahil sa dami ng late, ang iba naman bumabagsak sa klase dahil sa dami ng late o absent (yung iba kasing prof 'pag late ka, considered as absent na rin). haha...

Kaya sa susunod... HUWAG NA MAGPA-LATE! Tanggalin na natin sa mga katawan natin ang Pilipino Time dahil hindi lang ito nakakainis kundi nakakaperwisyo pa. Para din ito sa ikauunlad ng ating pagkatao at para hindi tayo maperwisyo o makaperwisyo. 

Sabi nga nila, "The early bird catches the worm.". :)


Monday, October 17, 2011

Bayad sa Jeep

  
  
Nakakainis noh?
  
  
Makiki-abot ka ng bayad sa jeep. 1, 2, 3... Wala pa ring umaabot. Nangangawit ka na pero walang nagkukusang kumuha, babae  man o lalake. Kung ayaw niyo mag-abot ng bayad, huwag kayong umupo malapit sa driver. At kung hindi niyo naman ginustong umupo malapit sa driver, hindi na kasalanan ng nakiki-abot iyon kasi nauna siya sa pwesto niya. Kumbaga, nakisingit ka na lang dahil iilan na lang ang kulang sa jeep at aalis na ito. Kung ayaw mo ng ganoon, eh di sa ibang jeep ka sumakay. At kung hindi naman terminal ang sasakyan mo, mamili ka ng jeep na maluwag-luwag bago ka sumakay. Makisama ka na lang at iabot ang bayad. Ano ba ang mawawala sa pag-abot ng bayad ng kapwa mo pasahero.
  
  
Moral Lesson: Makipagtulungan. 
  
  
Hindi uunlad ang bansa natin kung hindi tayo makikipagtulungan. Simpleng bayad na nga lang hindi pa natin matulungan ang kapwa natin. Sana matuto tayong umunawa at makipagtulungan sa kapwa natin Pilipino.

  

  


Friday, October 14, 2011

Pick Up Line of the Day #1

  
 
Boy: OXYGEN ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi I can't LIVE without you...
   
 
  

Thursday, October 13, 2011

Quote of the Day #1

 
"When God measures man, He puts the tape around on his heart -- not his head."
- Guideposts


 

Tuesday, October 11, 2011

Walang Pasok!!

Kahapon nag-announce na ang MalacaƱang na walang pasok. Oo, walang pasok! Walang pasok sa October 30, 2011. Kala mo bukas noh? Haha! Ang bilis mo talaga kapag tungkol sa announcement ng walang pasok ang balita. Estudyante ka nga! Congratulations! hahaha...

I was watching the news last night kaya nalaman ko. Gusto ko lang i-share para sa mga hindi pa nakakaalam at sa mga uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong darating na Undas. Mahaba-habang bakasyon 'toh! Yeah! Sabi sa balita, para daw ito sa paghahanda sa Undas at para ma-enjoy ng mga tao ang bakasyon. Sa haba nga naman 'di ba? Syempre makakapagpahinga at relax tayo. :) hehe... 

So what are you waiting for? Mark your calendar folks! Ayt! ;)

Thursday, October 6, 2011

Steve Jobs, Patay!

Wala ka sa tabloid pero OO pumanaw na ang utak sa likod ng kompanyang Apple na si Steve Jobs. At dahil dito nagluluksa ang buong mundo. Fan din ako ng Apple pero wala akong product nila. Mahal eh! HAHAHA! Pero syempre gusto ko din bumili kung sakaling magka-extra money ako. :)

Hayy... He was really a lost. Kahit ako nalungkot nung malaman kong namatay na siya eh. Kung pwede nga lang i-donate ang utak niya, for sure I'll sign up to be a recipient. HAHAHA! I've read a post from my friend in Facebook at in fairness, ang galing ng point. hehe... 

And I quote:
3 Apples changed the world-
1st seduced Eve,
2nd fell on Newton,
3rd was offered to the World, half bitten by a
brilliant man!!

'Heroes live forever, but legends never die',


You'll Always be the "APPLE" of our eyes!


RIP Steve Jobs!



Tama 'di ba? Naalala mo bigla ang Science at Bible noh? Ganun pa man, hindi apple ang bida sa mga istoryang ito. haha! Sana lang ay hindi magbago ang quality ng Apple at patuloy pa sana itong umusbong sa industriya. 

Salamat sa mga kontribusyon at naibahagi mo sa mundo Steve Jobs. Saludo kami sa'yo! Mabuhay ka! Este, sumalangit nawa. :P hehe... Hinding-hindi ka namin makakalimutan lalo na ng mga taong nag-feeling techie dahil sa mga inventions mo. :P LOL! 

Wednesday, October 5, 2011

Tagalog Pick-Up Lines

Can't get enough of those cheesy tagalog pick-up lines? Nagbibitaw o nakakatanggap ka ba ng cheesy tagalog pick-up lines? Gumagawa ka rin ba ng sarili mong cheesy tagalog pick-up lines? Hindi na kataka-taka kasi natural sa ating mga Pinoy ang pagiging malikhain at malambing. *wink* Alam mu 'yan! HAHA! At syempre dahil nandito ka sa Pinay Mahadera, isa yan sa mga madalas mong mababasa dito, orihinal na gawa ko man o hindi. *wink* Sabi nga nila, "The more the merrier.". Oha! :)

At para sa mga mahilig bumanat dyan, ito muna ang ilang cheesy tagalog pick-up lines pampangiti sa inyong mga sintang iniirog. Ayiieee~ HAHA!


ID ka ba?
Kasi pag nawala ka alam nilang akin ka...

Ligaw na bala ka ba?
Kasi tinamaan ako sa'yo...

Sana mag-off na ang ilaw...
Para tayo na ang mag-on...

Pagod ka na ba?
Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isipan ko...


Warning!

Hindi tayo perpekto pero marami sa ating mga Pinoy ang mahilig manglait, mang-asar at mangulit. Kaya para sa blog na ito, BAWAL ANG PIKON! Hahaha!! Ang masama nito, pangit na nga nanglalait pa! Keyinis noh? Haha! Kaso, ano'ng pake mo kung yun ang trip nila? Kanya-kanyang trip nga lang daw 'di ba? HAHA! 

Pero laging tandaan, "Kapag bad ka, lagot ka!".

Pinay Mahadera

Welcome to Pinay Mahadera! Ang makulit at nakakatawang blog na magkukwento at mang-ookray sa mga ugali at kalokohan ng mga Pilipino, positive man o negative. Pinay Mahadera will not tend to offend or hurt any individual or race. Natural lang kasi na makulit ang mga Pilipino kaya lahat ng napapanahon at laging napag-uusapang isyu, chismis, balita at kung anu-ano pa ang tatalakayin dito.

Mabuhay ang Pinoy!