Tuesday, November 29, 2011

Ba't mo pinatay?!

Alam mo yung feeling na pinatugtog sa radyo ng jeep yung gusto mong kanta tas biglang pinatay...
Nakakainis noh?

Sunday, November 13, 2011

Congratulations, Manny!

Congratulations, Manny "Pacman" Pacquiao! Pinatunayan mo nanaman ang kahusayan mo sa buong mundo. Kahit kontrobersyal ang laban, naniniwala pa rin akong ikaw ang nanalo. haha! Napikon yata si Coach Freddy Roach kaya nag-post siya ng picture sa Twitter ng punchstats para sa laban nila ni Juan Manuel Marquez




Huwag nang bitter. May katunayan naman pala eh! HAHAHA! At sa mga taong hindi natuwa sa laban, kayo kaya ang sumabak dun at magpabugbog. Kaya niyo bang sumugod ng sumugod at humabol sa kalaban na atras lang ng atras at naghihintay ng magandang pagkakataon para masuntok ka? Kung ganun pala ang istilo mo, matatawag mo ba ang sarili mong isang kampeon? At kung gusto mo palang maging isang kampeon, iyan ba ang tamang paraan upang patunayan ito? Sana isaalang-alang din natin na nag-iingat din si Manny Pacquiao dahil aminado naman tayo at alam din ni Manny Pacquiao na magaling din si Juan Manuel Marquez. Kahit sino naman siguro ay ayaw masaktan, 'di ba? At ayaw rin naman ni Manny Pacquiao na masyadong makasakit upang patunayan lang na magaling siya. 'Yun nga lang, masyado yata siyang naing maawain kanina. HAHAHA! 

Ganun pa man, saludo pa rin ako at ang mga Pilipino sa kahusayang ipinakita mo Manny. Manatili ka sanang mapagkumbaba at mapagbigay. Mabuhay ka, Manny!

Sunday, November 6, 2011

Oh, Ulan! Bakit?

Maganda ang panahon. Naka-bihis ka na at naka-ayos. Paalis ka na. Paglabas mo ng bahay biglang umulan.
 
Nakakainis noh?
 
  
 
 
  
   

Wednesday, November 2, 2011

Ang Bagong Alpabeto