Wednesday, October 19, 2011

Yes To Orig, No To Pirata!

YES TO ORIG!!
NO TO PIRATA!!


Tama nga naman ang bumili ng original. Masama at bawal ang tumangkilik ng pirata. Ang daling sabihin noh? Lalo na sa mga mayayaman at may pera. Ngunit masisisi mo ba si Juan kung ultimo pagkain wala siyang maihain sa mesa? 

May mga Pinoy din kasi diyan na naghahangad makapanood ng mga palabas na gusto nila ngunit sa sine at original na CD/DVD lang mapapanood. Wala naman silang pera para gumastos para dito. Sabi nga ng iba, ikakain na lang daw nila kaysa ibili ng kung anu-anong bagay. Pero para naman sa medyo kumikita ng sapat at may sobrang pera o kaya ay extra, hindi na kawalan ang bumili ng Php35 na pirata

Hindi ako sang-ayon sa pirata, ngunit naghahayag lang ako ng aking saloobin base sa mga naririnig at nalalaman ko tungkol sa buhay ng iba't ibang tao na may mga iba't ibang katayuan sa buhay. Ang tanong ko lang naman ay:


Bakit ba kasi ang mahal ng bayad sa mga palabas sa sine?
Hindi na bumaba. Lagi lang tumataas.
  
  

2 comments:

  1. i have to admit i bought pirated cd's/dvd's kasi yon kaya ng budget eh mahal kaya ng sine isasama ko pa si kyla, lol.

    Your first follower, congrats on this one.

    ReplyDelete