Monday, October 17, 2011

Bayad sa Jeep

  
  
Nakakainis noh?
  
  
Makiki-abot ka ng bayad sa jeep. 1, 2, 3... Wala pa ring umaabot. Nangangawit ka na pero walang nagkukusang kumuha, babae  man o lalake. Kung ayaw niyo mag-abot ng bayad, huwag kayong umupo malapit sa driver. At kung hindi niyo naman ginustong umupo malapit sa driver, hindi na kasalanan ng nakiki-abot iyon kasi nauna siya sa pwesto niya. Kumbaga, nakisingit ka na lang dahil iilan na lang ang kulang sa jeep at aalis na ito. Kung ayaw mo ng ganoon, eh di sa ibang jeep ka sumakay. At kung hindi naman terminal ang sasakyan mo, mamili ka ng jeep na maluwag-luwag bago ka sumakay. Makisama ka na lang at iabot ang bayad. Ano ba ang mawawala sa pag-abot ng bayad ng kapwa mo pasahero.
  
  
Moral Lesson: Makipagtulungan. 
  
  
Hindi uunlad ang bansa natin kung hindi tayo makikipagtulungan. Simpleng bayad na nga lang hindi pa natin matulungan ang kapwa natin. Sana matuto tayong umunawa at makipagtulungan sa kapwa natin Pilipino.

  

  


No comments:

Post a Comment