Thursday, October 6, 2011

Steve Jobs, Patay!

Wala ka sa tabloid pero OO pumanaw na ang utak sa likod ng kompanyang Apple na si Steve Jobs. At dahil dito nagluluksa ang buong mundo. Fan din ako ng Apple pero wala akong product nila. Mahal eh! HAHAHA! Pero syempre gusto ko din bumili kung sakaling magka-extra money ako. :)

Hayy... He was really a lost. Kahit ako nalungkot nung malaman kong namatay na siya eh. Kung pwede nga lang i-donate ang utak niya, for sure I'll sign up to be a recipient. HAHAHA! I've read a post from my friend in Facebook at in fairness, ang galing ng point. hehe... 

And I quote:
3 Apples changed the world-
1st seduced Eve,
2nd fell on Newton,
3rd was offered to the World, half bitten by a
brilliant man!!

'Heroes live forever, but legends never die',


You'll Always be the "APPLE" of our eyes!


RIP Steve Jobs!



Tama 'di ba? Naalala mo bigla ang Science at Bible noh? Ganun pa man, hindi apple ang bida sa mga istoryang ito. haha! Sana lang ay hindi magbago ang quality ng Apple at patuloy pa sana itong umusbong sa industriya. 

Salamat sa mga kontribusyon at naibahagi mo sa mundo Steve Jobs. Saludo kami sa'yo! Mabuhay ka! Este, sumalangit nawa. :P hehe... Hinding-hindi ka namin makakalimutan lalo na ng mga taong nag-feeling techie dahil sa mga inventions mo. :P LOL! 

No comments:

Post a Comment